
Malapit nang ipalabas sa GTV ang Thai drama na Beauty Boy, ang 2018 series na tiyak na magbibigay inspirasyon sa mga passionate at hard-working na mga manonood.
Pagbibidahan ito ng sikat na Thai stars na sina Baifern Pimchanok Luevisadpaibul na gaganap bilang si Maxine, at Tao Sattaphong Phiangphor na mapapanood naman bilang si Jeremy.
Iikot ang istorya nito sa buhay ng managers, staff, at customers ng isang kilalang all-male beauty salon, ang Beauty Bar.
Tuluy-tuloy ang tagumpay ng negosyong ito hanggang sa namatay ang may-ari nito na si Joyce, dahilan kaya nagsara ang salon at nawalan ng trabaho ang mga matagal nang empleyado nito.
Nang mamatay si Joyce, ang kaniyang mga kapatid na sina Jeremy at Eunice ang naiwan upang magtuloy ng nasimulan niyang negosyo.
Wala man silang alam sa pamamalakad ng isang beauty bar, susubukan pa rin nilang buksan ito at ipagpatuloy ang nasimulan ni Joyce.
Isang babae ang makikilala ni Jeremy at ito ay si Maxine, ang babaeng gustong gumanda at magbago ang kaniyang buhay.
May maitutulong kaya si Jeremy kay Maxine?
Magiging maayos kaya ang pamamalakad ng kapatid ni Joyce sa kaniyang naiwang negosyo?
Huwag palampasin ang kuwento ng Beauty Boy, malapit na sa GTV!
Para sa iba pang Kapuso stories, bisitahin ang www.GMANetwork.com
SAMANTALA, KILALANIN ANG THAI STARS NA NAPANOOD SA ILANG GMA HEART OF ASIA SHOWS SA GALLERY SA IBABA: