
Ngayong 2024, isang panibagong Thai series ang handog ng GMA-7.
Ito ang romantic drama series na Miracle of Love na malapit nang ipalabas sa Kapuso Network.
Isa sa Thai actresses na tampok sa serye ay si Pooklook Fonthip Watcharatrakul.
Mapapanood siya rito bilang lead star na si Danica.
Bukod sa kanya, tampok din dito ang Thai actors na sina Push Puttichai Kasetsin at Son Yuke Songpaisan.
Makikilala ang dalawang aktor sa serye bilang sina Louie at Aldwin.
Ang Thai romantic drama series na ito ay iikot sa love triangle, kung saan ma-i-involve sina Louie, Danica, at Aldwin.
Sino kaya ang magiging mas matimbang sa puso ni Danica? Ang kanya bang past lover na si Louie? O ang kanyang present lover na si Aldwin?
Huwag palampasin ang napakagandang istorya ng Miracle of Love, magsisimula nang ipalabas sa GMA-7 sa darating na ika-4 ng Marso.
Related Gallery: Thai stars who appeared in Heart of Asia