
Simula July 29, mapapanood na sa GMA ang The Betrayal, ang Thai adaptation ng global hit 2015 BBC Studios series na Doctor Foster.
Pagbibidahan ang The Betrayal ng 2024 Nataraja Award's Best Actress na si Anne Thongrasom at Best Actor na si Ananda Everingham kasama ang Thai actress na si Patricia Tanchanok Good.
Makikilala si Anne Thongrasom bilang Jane, Ananda Everingham bilang Alvin, at Patricia Tanchanok Good bilang Kate.
Makakasama rin nila sa serye sina Mac Nattapat Nimjirawat bilang Karl, Maki Machida Sutthikulphanich bilang Chloe, Gee Sutthirak Subvijitra bilang Paul, Tonhorm Sakuntala Teinpairoj bilang Rose, Chai Chatayodom Hiranyatithi bilang Charles, at Joy Rinlanee Sripen bilang Anna.
Iikot ang kuwento ng The Betrayal sa nasirang perpektong buhay ng successful phychiatrist na si Dr. Jane matapos matuklasan ang pagtataksil ng kanyang asawang si Alvin sa college student na si Kate.
Huwag palampasin ang The Betrayal, simula July 29, 5:10 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN ANG THAI ACTRESS NA SI ANNE THONGRASOM SA GALLERY NA ITO: