GMA Logo Nat Myria Benedetti
What's on TV

Thai singer-actress na si Nat Myria Benedetti, mapapanood sa 'Nabi, My Stepdarling'

By EJ Chua
Published August 23, 2022 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Nat Myria Benedetti


Sikat na Thai aktres na si Nat Myria, abangan sa GTV!

Ilang tulog na lang at ipapalabas na sa GTV ang intense drama series na Nabi, My Stepdarling.

Bukod sa pagbibidahan ito nina Fah Yongwaree Anilbol at Joss Way-ar Sangngern, mapapanood din sa serye ang Thai actress, singer, at model na si Nat Myria Benedetti.

Si Nat Myria ay bumida sa napakaraming Thai series tulad na lamang ng 'White Sin' (2010), 'Cupid the Series' (2013), 'Club Friday 7' (2016), at marami pang iba.

Bukod sa pag-arte, mahusay rin ang aktres sa pagho-host.

Sa katunayan, napanood siya bilang isa sa hosts ng Thai program na 'Anne-Nat Unlimited' kasama ang aktres at kaniyang best friend na si Anne Thongprasom.

Sa Nabi, My Stepdarling, bibigyang buhay ni Nat Myria ang karakter ni Winona, ang babaeng puno ng inggit sa kaniyang puso.

Si Winona ay ang salbaheng stepsister ni Marie (Nook Suttida Kasemsant Na Ayutthaya).

Anu-ano kaya ang kaniyang mga kayang gawin upang mapunta sa kaniya ang mga bagay na mayroon si Marie?

SAMANTALA, KILALANIN ANG THAI STARS NA NAPANOOD SA ILANG PROGRAMA NG GMA HEART OF ASIA SA GALLERY SA IBABA:

Panoorin ang Nabi, My Stepdarling at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.