
Nagbabalik sa Philippine television ang global fashion icon at Thai superstar na si Mai Davika Hoorne sa inaabangang serye na Astrophile, na mapapanood na sa GMA Heart of Asia ngayong February.
Kilala sa kanyang captivating beauty at husay sa pag-arte, muling bibida si Mai matapos ang matagumpay niyang pagganap sa mga hit series tulad ng My Ambulance, You Are My Heartbeat, at Love Beyond Time.
Ngayong 2026, bibigyang-buhay naman ni Mai ang karakter ni Natalie, isang sikat na home shopping host. Sa kabila ng kanyang ningning sa harap ng camera, may dala-dala siyang bigat pagdating sa kanyang personal na buhay. Magbabago ang kanyang buhay sa pagku-krus ng kanilang landas ni Kenneth (Bright Vachirawit Chivaaree), ang lalaking matagal na siyang lihim na hinahangaan mula sa malayo.
Abangan si Mai Davika Hoorne bilang Natalie sa pinakabagong Thai romantic-drama series sa GMA Heart of Asia, ang Astrophile.
Magsisimula na ngayong February 02, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA!
Related: Get to Know Thai Actress Davika Hoorne