
Hatid ng Thai superstar na si Namfah Thunyapat Phatrathinchaicherin ang ibang klaseng kilig at tawa sa umaga sa inaabangang serye na My Love in the Countryside, na mapapanood na sa GMA Heart of Asia ngayong March.
Kilala sa kanyang captivating beauty at husay sa pag-arte, muling bibida si Namfah matapos ang matagumpay niyang pagganap sa mga hit series tulad ng Until the Sun Meets the Star, Interlocking Hearts on Chao Phraya, at Ai, Khoi Hak Jao.
Ngayong 2026, bibigyang-buhay naman ni Namfah ang karakter ni Stephanie/Miriam, isang dalagang lumaki sa siyudad na may pangarap na maging isang sikat na lead actress. Hindi niya inaasahan na siya ay mapapasabak na mamuhay sa isang probinsiya, taliwas sa nakasanayang sophisticated na buhay.
Bagama't sa simula ay hirap siyang makibagay sa mga pagsubok sa baryo, unti-unti niyang matututunan ang pagiging matatag, mapagpakumbaba, at ang mas malalim na kahulugan ng pag-ibig.
Maabot kaya niya ang pag-ibig kasabay ng pag-abot niya sa kanyang pangarap?
Abangan si Namfah Thunyapat Phatrathinchaicherin bilang Stephanie/Miriam sa pinakabagong Thai romantic-comedy series sa GMA Heart of Asia, ang My Love in the Countryside.
Magsisimula na ngayong March 30, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA!