
Sinorpresa ng Queen of Telenovela na si Thalía ang Pinoy fans sa ginanap na Billboard Women in Music 2026.
Ang Mexican singer at actress na si Thalía ay nakasama ang P-Pop girl group na BINI sa kaniyang ginawang reel online.
PHOTO SOURCE: Facebook: Thalia
Sila ay nagkasama noong April 29 sa Billboard Women in Music 2026. Ito ay ginanap sa Hollywood Palladium sa Los Angeles, California, USA.
Saad ni Thalía, “Guys, I have a surprise for you. To all my Filipinos that I love…”
Dito niya na ipinakita ang BINI kasabay ng kantang Marimar mula sa kaniyang iconic role noong early 90s.
Sa hiwalay na post, nagpasalamat ang Mexican celebrity sa mainit na pagtanggap sa kanya noong ng mga Pilipino.
Sa translated post, sabi ni Thalia, "The Philippines is a country that has walked with me through the years, forming part of my history and who I am today. And the love they've given Marimar has been just endless...
"And suddenly, life meets us here, together with the beautiful @bini_ph celebrating love, music and that universal language that connects us no matter borders
"Thank you for so much love, for every hug and for making me feel so loved. Loved meeting you ladies!
Bumida si Thalía sa Mexicanovela na Marimar, na tinutukan ng mga Pilipino noong 1990s. Ito ay nagkaroon ng dalawang local adaptation, na ginampanan ni Marian Rivera noong 2007 at ni Megan Young noong 2015 sa GMA.