
Hindi pinalampas ng mga tagahanga ng hit primetime series na Alyas Robin Hood na makita ang kanilang mga iniidolo sa ginanap na thanksgiving mall show noong Biyernes, January 27.
Hindi pinalampas ng mga tagahanga ng hit primetime series na Alyas Robin Hood na makita ang kanilang mga iniidolo sa ginanap na thanksgiving mall show noong Biyernes, January 27.
Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, kasing saya rin ng fans ang cast ng naturang teleserye dahil sa suportang binibigay nito sa kanila.
"Perfect opportunity ngayon na magpasalamat. It's been six months magmula nung nag-launch kami. Hindi kami nakapag-thank you noong Pasko kaya magandang pagkakataon ngayon na kumpleto kami," pahayag ng lead star nitong si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Dagdag naman ni Megan Young, "Sobrang thankful namin sa Alyas Robin Hood na nagustuhan ng mga viewers ang konsepto ng show, storyline, ang characters."
Ayon kay Dong, marami pa raw dapat abangan sa susunod na episodes.
"Ang daming revelations, ang daming nangyayari sa bawat isa so talagang mainit na mainit na ang kaganapan."
Panoorin ang kabuoan ng interview nila dito:
Video from GMA News
MORE ON ALYAS ROBIN HOOD:
WATCH: What you've missed from 'Alyas Robin Hood's' episode on January 30
LOOK: Megan Young at Andrea Torres, nagpatalbugan sa suot nilang matching red bikinis
Photos by: @GMADrama(FB)