Article Inside Page
Showbiz News
Isang araw na puno ng kantahan at sayawan, nag-uumapaw pa sa saya at sorpresa, ang inihatid ng GMA Network.
By CHERRY SUN
Isang araw na puno ng kantahan at sayawan, nag-uumapaw pa sa saya at sorpresa- ito ang hatid ng GMA Network sa mga masugid nitong manonood at tagasuporta sa naganap na Kapuso Grand Fans’ Day ngayong araw (July 26) sa SM Mall of Asia Arena.
READ: GMA Grand Fans’ Day, dinumog ng mga Kapuso
Binuksan ang program ng mga batikang anchor na sina Mel Tiangco, Arnold Clavio, Vicky Morales, Howie Severino, at Ms. Jessica Soho. Nakibahagi rin ang iba pang personalidad mula sa GMA News and Public Affairs na kumatawan sa iba’t ibang programa.
“Animnapu’t limang taon na ang GMA sa telebisyon. Napakarami naming inihanda para sa inyo. May mga papremyo, may mga pa-contest, may mga sorpresa. Napakarami dahil nais naming madama ninyo ang sinserong ‘Thank you.’ Thank you, thank you sa patuloy na pagtangkilik sa GMA,” bungad ni Tita Mel.
Buhay na buhay ang mga Kapuso habang nakikipag-‘Twerk It Like Miley’ at ‘Nae Nae’ kasama sina Alden Richards at Iya Villania, at ang ilan pang bahagi ng
Sunday All Stars. Naki-sing along din sila sa Eraserheads medley ng Asia’s Songbird at
Sarap Diva host na si Regine Velasquez.
Bumirit to the highest level ang Kapuso vocal powers sa pagkanta ng Aegis hits. Hindi rin nagpahuli ang mga artist ng kauna-unahang multi-platform boy band competition, ang
To The Top, sa kanilang rendition ng ‘Verge.’
Present sa event ang cast ng hit Kapuso afternoon shows. Magkahiwalay na dance numbers ang hatid ng
The Half Sisters sa pangunguna nina Barbie Forteza, Thea Tolentino at Andre Paras, at nina Joyce Ching, Kristoffer Martin at Krystal Reyes ng
Healing Hearts. Umawit si Yasmien Kurdi habang humataw naman sina LJ Reyes at ang mga
Yagit kids. Nakisaya din sina Diva Montelaba, Christian Bautista, Gwen Zamora, Kim Rodriguez at Kiko Estrada ng
My Mother’s Secret.
Naging mainit ang pagtanggap sa cast ng
Pari Koy sa panguguna ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Napuno ng tili at hiyawan ang arena nang masilayan ang mga kinagigiliwang Kapuso love teams. Nasaksihan ang love triangle ng tambalang RaStro nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro, at Luis Alandy. Marami rin ang kinilig nang masulyapan sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid na kinanta ang theme song ng
Let the Love Begin.
Hindi nagpaawat ang cast ng
Ismol Family, Pepito Manaloto, Vampire ang Daddy Ko at
Bubble Gang sa panguguna ng mga hindi matatawarang komedyante tulad ni Michael V. Nagpasaya rin ang mga dabarkads na sin Julia Clarete and Anjo Yllana ng
Eat Bulaga at nakipaglaro ng 'Pinoy Henyo.'
Isang energetic dance performance ang hatid ng Kapuso Star Squad mula sa GMA Artist Center habang kumanta at sumayaw din ang mga miyembro ng
Walang Tulugan. Mismong ang Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno ay present din sa event.
Ipinakilala rin sa Kapuso Grand Fans’ Day ang mga upcoming shows ng GMA Network.
Ngayong darating na Agosto ay mapapanood na ang comedy variety show na ang
Sunday Pinas Saya. Ito ay pagbibidahan ng dalawang reyna – ang Queen of Comedy na si Aiai delas Alas at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Sa Setyembre naman ay magbabalik na rin ang hit reality talent competition, ang
Starstruck.
Kaabang-abang din ang mga bagong teledrama ng GMA. Star-studded ang upcoming na
Buena Familia na pagbibidahan nina Julie Anne San Jose, Jake Vargas, Kylie Padilla, at Martin del Rosario. Isang interpretative performance ang hatid nina Benjamin Alves, Lovi Poe at Rocco Nacino para sa
Beautiful Strangers. Nagpakilig din ang tambalang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado para sa kanilang upcoming primetime drama na
My Faithful Husband. Samantala, kapanapanabik din ang tambalan nina Tom Rodriguez at Megan Young para sa pagbabalik ng
Marimar.
Maliban sa performances ay nag-enjoy din ang mga Kapuso sa mga booths and games. Ang ilang pinalad ay naka-meet and greet din ang kanilang mga iniidolo, habang ang ilan ay tumanggap ng cash prizes.
READ: Marian Rivera, Dingdong Dantes at iba pang Kapuso stars, nakipag meet and greet sa fans
Naging mahaba ang araw ng mga Kapuso ngunit tiyak namang umuwi sila na busog busog sa kaligayahan. Ang araw na ito ay para sa inyo, kaya thank you, Kapuso!
LOOK:#ThankYouKapuso: GMA dedicates 65th anniversary to fans