GMA Logo That Boy in the Dark in I Heart Movies Channel
What's on TV

'That Boy in the Dark' starring Joaquin Domagoso, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published November 5, 2024 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

That Boy in the Dark in I Heart Movies Channel


Kabilang ang 'That Boy in the Dark' starring Joaquin Domagoso sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Nagpapatuloy ngayong linggo ang spooky movie specials na hatid ng digital channel na I Heart Movies.

Mapapanood kasi dito ang award-winning horror film na That Boy in the Dark.

Ang That Boy in the Dark ay pinagbidahan ng young Kapuso actor na si Joaquin Domagoso na gumanap dito bilang Knight, isang binatang unti-unting nabubulag matapos maaksidente.

Habang nagpapagaling sa bahay ng kanyang lolo, makakarinig siya ng misteryosong mga sigaw at iyak tuwing gabi.

Walang maniniwala sa kanya kaya si Knight na mismo ang mag-iimbestiga rito.

Humakot ng mga parangal si Joaquin Domagoso matapos ang pagganap niya sa pelikula. Kabilang dito ang Best Actor awards mula sa 16th Toronto Film and Script Awards, Boden International Film Festival sa Sweden, at Five Continents International Film Festival 2022 sa Venezuela.

Hinirang bilang Best Feature Film ang That Boy in the Dark sa Boden International Film Festival, at Best Thriller Feature Film sa 2022 Five Continents International Film Festival. Kinilala rin bilang Best Director sa Boden International Film Festival at nabigyan ng Special Mention as a Feature Film Director sa 2022 Five Continents International Film Festival si Adolf Alix Jr.

Nakuha rin ng pelikula ang parangal para sa Best Supporting Actor para kay Kiko Ipapo, Best Screenplay para kay Gina Marissa Tagasa, at Best Lighting para kay Nelson Macababat Jr. sa 2022 Five Continents International Film Festival.

Abangan ang That Boy in the Dark, November 8, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa socio-political movies, huwag palampasin ang Dance of the Steel Bars.

Pinagbidahan ito ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at co-directed ng yumaong award-winning Kapuso broadcast journalist na si Cesar Apolinario.

Inspired ng Cebu Dancing Inmates, kuwento ito ng dayuhang si Frank (Patrick Bergin) na maaakusahan ng murder at makukulong sa Cebu.

Makikilala niya sa kulungan si Allona (Joey Paras), isang transwoman na nagtuturo ng sayaw bilang ehersisyo ng mga preso, at si Mando (Dingdong Dantes), isang convicted murderer na itinatago ang hilig niya sa pagsasayaw para magmukhang macho.

Abangan ang Dance of the Steel Bars, November 9, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.