GMA Logo Barbie Forteza and David Licauco
Source: Pocket Media Productions
What's Hot

'That Kind of Love' nina Barbie Forteza at David Licauco, patok sa filmgoers

By Jimboy Napoles
Published July 14, 2024 5:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and David Licauco


Napanood n'yo na ba ang rom-com movie ng taon ng BarDa na 'That Kind of Love'?

Parami na nang parami ang nakakapanood ng pelikulang That Kind of Love na first movie together ng tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco.

Sa social media, inulan ng papuri ang nasabing pelikula at ang “magic” na chemistry nina Barbie at David na talagang nagpakilig sa mga manonood.

Sa nasabing pelikula, gumaganap si Barbie bilang si Mila na isang dating coach. Hahanapan niya rito ng magiging special someone ang mayamang businessman na si Adam played by David. Pero ano'ng mangyayari kung ang love coach ang siyang ma-fall?

Sa fourth day ng That Kind of Love sa mga sinehan, puro positibo ang ibinigay na reaksyon ng mga filmgoer.

“Just watched #ThatKindOfLove and grabe super deserve nito mag-hit. sobrang bagay kay Barbie and David ng mga characters nila like halatang inaral sila ng directors and writers para maging fit talaga sa kanila ang characters,” post ng isang fan na nanood ng pelikula.

Dagdag pa ng isang BardDa fan, “Napakaganda ng mga outfits ni Barbie sa TKL!

Lakas maka-korean ang peg. Grabe ang chemistry, BarDa. Nag-uumapaw ang kilig ko!”

Reaksyon naman ng isang moviegoer, “Done watching 'That kind of love' with my sister. Sobrang ganda ng movie. Nakakakilig, nakakatuwa, nakakaiyak at nakaka-inlove. Ang galing lahat ng artist especially Barbie and David. Kahit 'yung theme song ang ganda rin. Walang tapon talaga. Hindi sayang ang aming binayad.”

Samantala, mapapanood din sina Barbie Forteza at David Licauco sa highly-anticipated series ng GMA ngayong 2024 na Pulang Araw, simula July 29 sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: Netizens, aprub na aprub ang pelikulang 'That Kind of Love' nina Barbie Forteza at David Licauco