GMA Logo Thats Entertainment, Family Feud
What's on TV

'That's Entertainment' alumni na That's Legacy, panalo ng PhP200K jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published February 21, 2024 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Caprice Cayetano fails to advance in gift of immunity challenge
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Thats Entertainment, Family Feud


Congratulations, team That's Legacy!

Very proud ang team That's Legacy nang maipanalo nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Kapuso weekday game show na Family Feud ngayong Miyerkules, February 21.

Sa episode na ito nagharap sa hulaan ng top survey answers ang mga dating teen star sa iconic youth-oriented show na That's Entertainment.

Ang winning team na That's Legacy ay binubuo nina Ryan Soler, na owner na ngayon ng isang resort sa Batangas; Melissa Silvano, isang nurse at mother of one; Ronel Wolfe, dating miyembro ng boy group na Quamo sa That's, at ngayo'y nagma-manage ng isang rehab center sa Cavite; at ang kapatid ni Sheryl Cruz na si Renzo Cruz, na ngayon ay abala sa kanyang farm sa Mindanao.

Nakatapat nila ang team That's Family na binubuo naman nina Fredmoore de los Santos, na balik-acting recently sa GMA; Harvey Gomez na isa nang virtual assistant sa isang foreign firm; Maffi Papin, ang singer-actress na anak ng Jukebox Queen na si Imelda Papin; at Mike Castillo, na proud sa pagiging single hanggang ngayon.

Sa kanilang paglalaro, leading na sana ang team That's Family, pero pagdating sa final round, nabigo silang mahulaan ang lahat ng survey answers sa tanong ng game master na si Dingdong Dantes na, “Nakakatakot makakita ng daga sa bahay pero mas nakakatakot kung ang daga ay singlaki ng?”

Masuwerteng nahulaan ng team That's Legacy ang hinahanap na huling survey answer na “Tao.” Dahil dito, sila ang nagpatuloy sa Fast Money Round.

Ang kanilang final scores, ang That's Family ay nakakakuha ng 255 points habang team That's Legacy ay nakabuo ng 376 points.

Pagdating sa Fast Money Round, sina Ronnel at Melissa ang naglaro. Dito ay nakaipon sila ng 238 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha nila ang jackpot prize na PhP200,000.

Marami pang throwback episodes ang parating sa Family Feud kaya't abangan ito araw-araw 5:40 p.m. sa GMA bago ang 24 Oras.

Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page. Worldwide din itong napapanood via our livestream sa official YouTube channel ng Family Feud at sa GMA Network Kapuso Livestream.