GMA Logo smallest and biggest burgers
What's on TV

The Best Ka!: Iba't ibang sukat ng burger, bida sa Vigan, Ilocos Sur

By EJ Chua
Published March 28, 2022 8:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

smallest and biggest burgers


Matakam at mamangha sa smallest at biggest burger na maaaring matikman sa Vigan, Ilocos Sur!

Time out muna tayo sa mga sa pagiging abala sa mga bagay-bagay sa ating paligid at ating balikan ang kakaibang food trip na inihatid sa atin ng The Best Ka! noong nakaraang Linggo!

Sa katatapos lamang na episode ng The Best Ka!, si Buboy Villar ang inimbitahan ni Mikael Daez para kuhanin ang reaksyon nito tungkol sa burgers na napag-alamang hilig pala ng aktor.

Mga best, nakakita na ba kayo ng iba't ibang sukat ng burgers?

Sa isang kainan sa Vigan, Ilocos Sur, matatagpuan ang mga kakaibang paandar ng isang lalaki pagdating sa mga ibinebenta niyang burgers.

Sa Kusina De Kenyong matatagpuan ang pinakamaliit na burger na halos kasukat lamang ng isang limang pisong barya.

Mula sa pinakamaliit na sukat ng burger, mas nakilala pa ng marami ang naturang restaurant dahil naman sa 12 inches na burger na sinubukan pang gawing 16 inches nang ma-feature ito sa programa.

Ayon sa owner ng Kusina De Kenyong, “Yung smallest burger at first trial lang siya, it was just for my birthday celebration. Kaya lang nagustuhan ito ng mga guest kaya ginawa na namin siyang isa sa menu sa Kusina De Kenyong.”

Sabay-sabay nating alamin ang iba pang pagkain na record holders sa mga susunod na exciting episodes ng The Best Ka! mapapanood tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.