GMA Logo matt denton
What's on TV

The Best Ka!: Isang 'Star Wars' fan, nakabuo ng isang rideable na robot?

By EJ Chua
Published April 20, 2022 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

World markets face fresh jolt as Trump vows tariffs on Europe over Greenland
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

matt denton


Lalaking may kakaibang talento sa paggawa ng mga robot, kilalanin!

Sa latest episode ng The Best Ka!, isa-isang ibinida nina Mikael Daez at Rhian Ramos ang outrageous inventions mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Isa sa itinampok dito ay ang kahanga-hangang imbensyon ng isang Star Wars fan at film animatronics engineer na si Matt Denton. Siya ang imbentor ng world's largest rideable hexapod robot.

Nagsimula ang hilig ni Matt sa pagbuo ng mga robot nang mapanood niya sa Star Wars ang isang machine na may apat na paa at kayang maglakad.

Bukod sa pagbuo ng kakaibang bagay sa kanilang bahay, kinuha rin siya sa ilang mga pelikula upang doon magtrabaho.

Sa pamamagitan ng kaniyang dedikasyon at husay sa paglikha ng kakaibang mga bagay, 20 maliliit na robot na may apat na paa ang kaniyang nabuo.

Matapos nito, isang malaking kompanya ang nakadiskubre sa kaniyang talento at tila hinamon siyang gumawa ng mas malaking robot.

Dahil sa hamon, nabuo ni Matt ang Mantis hexapod na may bigat na 1.9 tons.

Panoorin ang buong kuwento ng imbensyon ni Matt Denton dito:

Kilalanin ang iba pang kahanga-hangang mga indibidwal na susunod na itatampok sa The Best Ka!, mapapanood tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.

Samantala, alamin sa gallery na ito ang mga dahilan kung bakit dapat n'yong gawing must-watch show ang The Best Ka! tuwing Linggo.