
Sa episode ng The Best Ka! na ipinalabas noong Linggo, ipinakilala nina Mikael Daez at Rhian Ramos ang mga tao sa likod ng mga kamangha-manghang inventions sa iba't ibang panig ng mundo.
Isa sa ipinakilala nina Mikael at Rhian ay ang lalaking kayang tuparin ang pangarap ng isang taong gustong lumipad ng sobrang bilis kahit hindi nakasakay sa eroplano.
Siya si Richard Browning, ang British inventor na nakalikha ng jet suit na kayang-kayang paliparin ang isang tao sa bilis na 136 kilometers per hour.
Hindi maikakailang siya na rin ang may hawak ng record para sa pinakamabilis na paglipad gamit ang naimbento niyang jet suit.
Ang jet suit na ito ay mayroong limang jet engines, dalawang engines na nakalagay sa bawat kamay at ang isa naman ay nasa likuran.
Noong taong 2019, nakuha ni Richard ang world record matapos niyang maipamalas ang husay ng kanyang imbensyon sa isang beach sa United Kingdom.
Panoorin ang buong kuwento ng imbensyon ni Richard Browning dito:
Kilalanin ang iba pang kahanga-hangang mga indibidwal na susunod ng itatampok sa The Best Ka!, mapapanood tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.
Samantala, alamin sa gallery na ito ang mga dahilan kung bakit dapat n'yong gawing must-watch show ang The Best Ka! tuwing Linggo.