
Sa episode ng The Best Ka! noong nakaraang Linggo, ibinida nina Mikael Daez at ng kaniyang guest co-host na si Analyn Barro ang iba't ibang parte ng katawan ng ilang mga indibidwal na may mga kakaibang talento.
Isa sa ipinakilala nila ay si Nick Stoeberl na mula sa United States, siya ang lalaking record holder sa pagkakaroon ng pinakamahabang dila.
Alam n'yo ba na ang dila ni Nick ay mayroong sukat na 10.1 cm o 3.97 inches?
Dahil sa hindi pangkaraniwang haba nito, kaya niyang kumain ng ice cream ng mabilisan at kaya niya ring punasan ang paligid ng kaniyang labi gamit lamang ang kaniyang dila.
Bukod sa paglasa ng masasarap na pagkain, may kakaibang talento rin pala ang dila ni Nick.
Kaya rin daw niyang magpinta o gumawa ng magagandang mga obra gamit ang kaniyang dila.
Ibinahagi ni Nick sa isang interview ang isang nakakatawang istorya sa tuwing ipinapakilala siya ng kaniyang mga kaibigan sa ibang tao.
Imbes daw na makipag-shake hands siya sa mga ito, ipinalalabas daw ng mga taong kaniyang nakakasalamuha ang kaniyang napakahabang dila upang mapatunayan na pang world record nga talaga ito.
Panoorin ang kakaibang talento ni Nick sa video na ito:
Kilalanin ang iba pang kahanga-hangang indibidwal at tunghayan ang iba pang nakabibilib na kuwento na itatampok sa The Best Ka!, mapapanood tuwing Linggo, dito lamang sa GMA.
Samantala, alamin sa gallery na ito ang mga dahilan kung bakit dapat n'yong gawing must-watch show ang The Best Ka! tuwing Linggo.