GMA Logo Tallest couple
What's on TV

The Best Ka!: Mag-asawa, "meant to be" rin ang height?

By EJ Chua
Published March 30, 2022 8:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Tallest couple


Kilalanin ang mag-asawang tinitingala dahil sa mala-higante nilang taas!

Sa nakaraang episode ng The Best Ka!, itinampok ang mag-asawang literal na tinitingala dahil sa kanilang kakaibang height.

Ipinakilala ni Mikael Daez ang isang lalaki at isang babaeng pinagtagpo ng tadhana upang mahalin at tanggapin ang katangian ng isa't isa.

Mga best, may nakasalubong na ba kayong mag-asawa na mala-higante sa tangkad!

Bukod sa kanilang hindi pangkaraniwang taas, napatingala rin ang ilang Kapuso sa kuwento ng kanilang pag-iibigan.

Sila ay ang Chinese couple na sina Sun Mingming at Xu Yan.

Si Sun Mingming ay may taas na 7 feet at 9 inches at kilala bilang isang former professional basketball player. Samantala, ang kanyang asawa na si Xu Yan ay may taas na 6 feet and 1 inch.

Nang pagsamahin ang sukat ng height ng mag-asawa, umabot ito sa halos 13 feet at 10.72 inches, kaya naman nakatanggap sila ng pagkilala noong 2016 bilang World's Tallest Couple.

Sa isang interview, ibinahagi ni Sun Mingming na noong una ay nag-alangan siya sa paghahanap ng kasama sa buhay. Ngunit hindi siya sumuko hanggang sa nagkatagpo na sila ng matangkad na babae na si Xu Yan.

Ang pinakamatangkad na couple sa buong mundo ay ikinasal sa Beijing, China noong August 4, 2013.

Sabay-sabay nating kilalanin ang iba pang personalidad na record holders sa mga susunod na exciting episode ng The Best Ka! mapapanood tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.