
Mga best, kakaibang episode ang hatid ng The Best Ka! ngayong darating na Linggo!
Mahilig din ba kayo sa sandwiches, pizza, milkshake, burger, at iba pang go-to foods at desserts?
Tara! Samahan natin sina Mikael Daez at ang Bubble Gang babe na si Valeen Montenegro sa pagdiskubre ng mga pagkain at inuming world record-holders.
Siguradong matatakam ang lahat sa mga mamahalin at instagram-worthy na desserts na talaga namang nakamamangha ang mga itsura at ang ilan ay may nakabibiglang presyo.
Isa na riyan ang sosyal na sandwich na umaabot ng libu-libo ang halaga.
Bakit nga ba ganon ito kamahal?
Sabay-sabay natin 'yang alamin sa isa na namang exciting episode ng The Best Ka! mapapanood tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.