
Sa pinaka-fresh na episode ng The Best Ka!, napanood ng mga Kapuso ang mga taong may kakaibang abilidad pagdating sa pagwo-workout at pag-e-exercise.
Isa sa mga ipinakilala sa atin nina Mikael Daez at Valeen Montenegro ay ang isang babae na may kakaibang tibay at lakas pagdating sa planking position.
Mga best, nasubukan niyo na bang mag-plank na umabot sa halos isang oras o mahigit pa?
Isang babae sa Canada na nagngangalang Dana Glowacka ang talaga namang kahanga-hanga dahil tumagal siya ng apat na oras habang naka-plank position.
Habang lumilipas ang bawat oras at minuto, tila patindi ng patindi ang ngawit na nararamdaman ni Dana.
Inamin niya na noong umabot na sa tatlumpung oras at apatnapu't limang minuto ang itinatagal ng kanyang pag pa-plank ay doon siya labis siyang nahirapan.
Ngunit sa kabila ng hindi komportableng posisyon ay kinaya niya pa rin ito.
Sa apat na oras at dalawampung minuto, nasungkit ni Dana ang Guinness World Record para sa pinakamatagal na pagpa-plank.
Panoorin ang kakaibang abilidad ni Dana rito:
Longest plank, umabot ng apat na oras!
Sabay-sabay tayong mamangha sa iba't ibang istorya na itinatampok sa The Best Ka!, mapapanood tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.