
Punong-puno ng saya at tawanan ang hatid ng inyong favorite Sunday night habit dahil mapapanood ang funniest holiday moments ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Pasko (December 25).
Nagbabalik ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya bilang kasabwat nina TBATS hosts Boobay at Tekla sa Christmas edition ng “Pranking In Tandem.”
Tampok din sa upcoming episode ang tatlong nakakatawang parody sketches: isang babaeng pinakasalan ang sarili at pinaniniwalaang siya ay buntis; isang lalaki na bumangon sa pagkamatay upang multuhin ang kanyang asawa; at dalawang magkaibigan na manlilinlang ng mga tao sa pamamagitan ng pagbebenta ng fake beauty products.
Bukod dito, may fun quiz naman tungkol sa street signs sina Boobay at Tekla para sa PUV drivers sa segment na “TBATS on the Street.”
Mapapanood din ang “Dear Boobay and Tekla,” kung saan magbibigay ang comedy duo ng mga nakakatawang payo para sa mga nagpadala ng sulat.
Exciting, 'di ba? Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (December 25) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, BALIKAN ANG HOTTEST MAY “PA-PRESSCON” EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.