
Simula ngayong Lunes, July 29, mapapanood na tuwing hapon sa GMA ang isa sa pinakamalaking handog ng Heart of Asia para sa 21st anniversary nito, ang The Betrayal.
Ito ay Thai adaptation ng global hit 2015 BBC Studios series na Doctor Foster, ang kuwentong sinubaybayan at pinanggigilan sa buong mundo.
Pagbibidahan ang The Betrayal ng Thailand's award-winning stars na sina 2024 Nataraja Awards Best Actress Ann Thongprasom at Best Actor Ananda Everingham kasama ang aktres na si Patricia
Iikot ang intense na kuwento ng The Betrayal sa nasirang perpektong buhay ng successful psychiatrist na si Dr. Jane (Ann Thongprasom) matapos matuklasan ang pagtataksil ng kanyang asawang si Alvin (Ananda Everingham) sa college student na si Kate (Patricia Tanchanok Good).
Makakasama rin sa serye sina Mac Nattapat Nimjirawat bilang Karl, Maki Machida Sutthikulphanich bilang Chloe, Gee Sutthirak Subvijitra bilang Paul, Tonhorm Sakuntala Teinpairoj bilang Rose, Chai Chatayodom Hiranyatithi bilang Charles, at Joy Rinlanee Sripen bilang Anna.
Abangan ang The Betrayal, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN ANG THAI ACTRESS NA SI ANNE THONGRASOM SA GALLERY NA ITO: