
Patuloy na umiinit ang mga kaganapan sa The Betrayal ngayong nalaman na ni Jane (Ann Thongprasom) ang pagtataksil sa kanya ni Alvin (Ananda Everingham).
Lumapit na sa isang law firm si Jane para sa desisyong makipag-divorce na sa asawa. Sa kabila ng katotohanan na siya ang pinagtaksilan, ang maaari namang maging kapalit ng pakikipaghiwalay niya sa asawa ay ang pagkawala ng kanyang bahay, mga anak, at maging ang kanyang career at magandang estado sa buhay.
Sa kabila nito, desidido si Jane na maipanalo ang karapatan niya bilang babae, ina, at legal na asawa. Para manalo sa kaso, kailangan ni Jane na makakuha ng ebidensya sa pagtataksil ni Alvin at ng babae nito na si Kate.
Samantala, panibagong problema naman ang hinaharap ngayon ni Jane dahil sa fake news na kumakalat tungkol sa kanya, kung saan nakuhanan siyang may kasamang lalaki habang umiinom sa isang bar.
Dahil dito, siya naman ang binabaliktad ngayon ni Alvin ng pagtataksil.
Patuloy na subaybayan ang The Betrayal, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN ANG THAI ACTRESS NA SI ANNE THONGRASOM SA GALLERY NA ITO: