
Painit na nang painit ang mga kaganapan sa The Betrayal lalo na ngayong alam na rin nina Karl (Mac Nattapat Nimjirawat) at Chloe (Maki Machida Sutthikulphanich), mga anak ni Jane (Ann Thongprasom) ang pagtataksil ng kanilang amang si Alvin (Ananda Everingham).
Sina Karl at Chloe na mismo ang nakahuli sa kalokohan ng kanilang ama, na labis na ikinagalit ni Jane. Pero patuloy pa ring itinatanggi ni Alvin ang kanyang kasalanan.
Dahil dito, pinayuhan na si Jane ng kanyang mga magulang na mag-file na ng divorce kay Alvin.
Bukod sa pagtataksil, napag-alaman din ni Jane na milyon-milyon ang perang inililipat ni Alvin sa sarili nitong account. Dahil sa mabibigat na problema, hindi na naiwasan ni Jane na mag-isip na tapusin na ang kanyang buhay.
Pero hindi hahayaan ni Paul (Gee Sutthirak Subvijitra) na malunod si Jane sa kanyang mga problema. Ano kaya ang magiging bagong papel ni Paul sa buhay ni Jane?
Patuloy na subaybayan ang umiinit na kaganapan sa The Betrayal, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN ANG THAI ACTRESS NA SI ANNE THONGRASOM SA GALLERY NA ITO: