
Simula Lunes, August 19, mapapanood na nang mas maaga ang kilig-good vibes na hatid ng GMA's first-ever telepelikula na Love You Two sa bagong nitong timeslot na 8:35 p.m.
Bukod pa rito, mas magiging mainit din ang inyong mga gabi dahil susundan ito ng hottest primetime drama sa bansa, ang The Better Woman, na mapapanood na tuwing 9:20 ng gabi.
Samantala, mananatili naman sa kanyang original timeslot ang epic-drama series na Sahaya na mapapanood sa ganap na 7:45 p.m., pagkatapos ng 24 Oras.
Huwag palampasin ang mas pinalakas at mas pinalupit na GMA Telebabad!