
Sa ikatlong linggo ng The Blooming Treasure, nagsimula na ang first days nina Win (Mario Maurer) at Pia (Toey Jarinporn) sa kani-kanilang mga trabaho bilang isang chrysanthemum farmer at interim CEO ng isang real estate firm.
Siyempre, hindi na naman napigilan ni Win na kulitin si Pia sa kanyang mga trabaho bilang CEO.
Hindi rin napigilan ang girlfriend ni Win na si Wendy na kalabanin ang acting president dahil sa patuloy na pagkontrol sa kanyang boyfriend at nababawasan na ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan.
Samantala, ginagawa naman ni Pia ang lahat para makumbinsi si Win na matutunan ang pagtakbo ng kanyang chrysanthemum farm.
Ani Pia kay Win, “Nandito lang naman ako para sa lolo mo. Ito ang nakasulat sa last will and testament na naka-address sa ating dalawa.
“Naniwala ako sa kanya dahil mahal niya tayong dalawa at wala siyang ginusto kundi mapabuti ang mga buhay natin.”
Dahil dito, nakumbinsi na rin si Win na samahan si Pia sa kanyang nursery farm.
Sa prosesong ito, mas napalapit ang dalawa sa isa't isa at dito nila na-realize na kailangan nila ang isa't isa para mas lumago ang kumpanya ng lolo ni Win.
Mag-bloom na kaya ang kanilang relationship to friendship?
Patuloy na panoorin ang The Blooming Treasure sa GMA-7 kasama sina Mario Maurer, Toey Jarinporn, Kawee Tanjarak, at Matcha Mosimann.
Kilalanin ang lahat ng mga karakter sa gallery na ito: