GMA Logo The Blooming Treasure
What's Hot

The Blooming Treasure: Pia, may feelings na ba para kay Win?

By Cara Emmeline Garcia
Published March 29, 2021 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

The Blooming Treasure


Uy, mukhang nagkakadevelopan na sina Pia at Win sa 'The Blooming Treasure.'

Sa ikaapat na linggo ng The Blooming Treasure mukhang nagkakamabutihan na sina Win (Mario Maurer) at Pia (Toey Jarinporn) lalo na't sumasama na ang nauna sa mga activity ni Pia sa pagpapagawa ng orchid farm.

Sa katunayan, lumalabas na ang pagiging seloso ni Win lalo na nung nakilala n'ya ang pinakamalapit na kaibigan ni Pia na si Joe. Mukha pa ngang threatened ang tagapagmana ng real estate company dahil lagi siyang nagpapakitang gilas tuwing tinutulungan ni Pia si Joe.

Pero siyempre, hindi pa rin natigil ang pagkamayabang ni Win sa harap ng mga empleyado ni Pia kaya naman hindi maiwasang mag-away na naman ang dalawa.

Paano kaya iha-handle ni Pia si Win?

Samantala, nabisto na nina Clara (Matcha Mosimann) at Rob (Kawee Tanjarak) na may nagaganap na korupsyon sa loob ng kompanya nina Win at sangkot dito ang acquisitions officer na si Gelo.

Unti-unti na rin nahuhulog ang loob nina Pia at Win sa isa't isa/ Nagsimula ito nang mapansin ni Pia ang kabutihang loob ni Win nang tulungan n'ya ang isang bata matapos nitong magnakaw ng pagkain dahil nagugutom ito. Habang si Win, hindi na n'ya mapigilan ang sarili n'yang magbago para kay Pia nang malaman ang type ni Pia sa isang lalaki.

Patuloy na panoorin ang The Blooming Treasure sa GMA-7 kasama sina Mario Maurer, Toey Jarinporn, Kawee Tanjarak, at Matcha Mosimann.

Kilalanin ang lahat ng mga karakter sa gallery na ito: