
Sa ikalawang linggo ng The Blooming Treasure, tuloy na tuloy na ang pag take charge ni Pia sa pamamahay nina Win (Mario Maurer).
Nung una, nag-set up ng iba't ibang pakulo si Win to get on Pia's nerves pero ang 'di lang n'ya alam ay palaban pala ito at may mga plano rin nakahanda para sa kanyang kaaway.
Samantala, kung nag-aaway ang dalawang bida, mukhang promising naman ang magiging relasyon nina Clara (Matcha Mosimann) at Rob (Kawee Tanjarak) sa serye nang pormal na ipinakilala ni Pia ang dalawa sa isa't isa.
Hindi rin napigilan ni Pia na alagaan si Win matapos masaktan ito nang magkaaway ang dalawa dahil sa patuloy na pangungulit at pang-aasar nito.
Kailan kaya matatapos ang lovers quarrel nina Win at Pia? Alamin:
Patuloy na panoorin ang The Blooming Treasure sa GMA-7 kasama sina Mario Maurer, Toey Jarinporn, Kawee Tanjarak, at Matcha Mosimann.
Kilalanin ang mga karakter sa gallery na ito: