
Sa ikalimang linggo ng The Blooming Treasure, unti-unti nang napapansin ni Pia ang pagbabago ni Win (Mario Maurer). Unang-una, mas nagiging responsable na siya sa mga gawain niya sa opisina at mas tinutuunan niya ng pansin ang mga importanteng detalye ng kanilang kompanya.
Samantala, ang progress ni Win ay unti-unting sinisira ng kanyang matalik na kaibigan na si Kevin.
Kasama sana kasi ang former CEO sa bahay nila Rob para kumain ng dinner kasama sina Pia at Clara, pero mas inuna pa nito ang pagpaparty kasama ang kanyang mga kaibigan.
Tumaas kaya o bumaba ang pogi points ni Win kay Pia?
Hindi inaasahan ni Pia na matagpuang naghahalikan sina Wendy at Win sa nasabing party. Todo na nasaktan si Pia sa mga nasaksihan niya kaya naman susubukang suyuin ni Win ang nauna para matapos na ang pagtatampo nito sa kanya.
Mapatawad kaya ito ni Pia?
Sa tagal ng kanilang pagsasama, unti-unti nang ipinaparamdam ni Win ang kanyang mga nararamdaman para kay Pia.
Ito na ba ang tunay na magbu-bloom?
Patuloy na panoorin ang The Blooming Treasure sa GMA-7 kasama sina Mario Maurer, Toey Jarinporn, Kawee Tanjarak, at Matcha Mosimann.
Kilalanin ang lahat ng mga karakter sa serye sa gallery na ito: