
Mga Kapuso, 10 araw na lamang ang natitira bago sumapit ang Pasko! Kaya naman, mayroong masayang pagbati ang inyong favorite late night habit, ang The Boobay and Tekla Show (TBATS).
Ngayong Christmas season, mayroong espesyal na pa-shoutout at mensahe ng pasasalamat sina TBATS hosts Boobay at Tekla pati ang Mema Squad members na sina Pepita Curtis, Ian Red, at Kitkat para sa top fans at sa mga patuloy na sumusuporta sa The Boobay and Tekla Show. Link:
Makikita sa official Facebook page ng naturang programa ang unang video na pinamagatang “TBATS: 12 Days of Christmas,” kung saan binigyan nina Boobay at Pepita Curtis ng shoutout ang ilang solid fans at supporters ng TBATS na nasa bansa at abroad.
Abangan ang nakatutuwang "TBATS: 12 Days of Christmas" araw-araw hanggang December 25 sa social media pages ng The Boobay and Tekla Show.
Para sa non-stop kuwentuhan at kasiyahan, tutukan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:30 p.m. sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, mapapanood na rin ang much-awaited na 2021 Christmas Station ID ng GMA Network na pinamagatang “Love Together, Hope Together.” Pinapaalala nito ang kahalagahan ng pagkakaroon pag-asa, pagkakaisa, at pagmamahal ngayong Pasko.
Panoorin ang GMA Christmas Station ID 2021 video rito.
Alamin naman sa gallery na ito kung bakit sina Boobay at Tekla ang nangunguna sa larangan ng komedya.