GMA Logo The Bureau of Magical Things
What's Hot

'The Bureau of Magical Things,' mapapanood na sa GMA Fantaseries

By Aimee Anoc
Published September 13, 2021 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Yukien Andrada pens heartfelt message as his San Beda stint ends
January 1, 2026: Balitang Bisdak Livestream
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

The Bureau of Magical Things


Abangan si Kimie Tsukakoshi bilang si Kyra sa pinakabagong fantaseries ng GMA.

Samahan si Kimie Tsukakoshi bilang si Kyra na tuklasin ang mundo ng mahika kasama ang fairies at elves sa pinakabagong fantaseries ng GMA na The Bureau of Magical Things.

Makakasama rin ni Kyra sa magical adventure na ito ang magkapatid na elves na sina Imogen at Darra na gagampanan nina Elizabeth Cullen at Julian Cullen, gayundin ang fairy na si Lily (Mia Milnes).

Noong unang panahon, magkasamang namumuhay ang mga tao, fairies at elves. Nang dahil sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ng mga tao, napilitan ang fairies at elves na humiwalay ng mundo.

Pero isang araw habang nag-eehersisyo, bigla na lamang may nakitang lumulutang na libro si Kyra sa daan. Dahil sa pagkamangha, hinawakan niya ang libro at bigla na lamang nagkaroon ng isang pagsabog.

Sa paggising ni Kyra mula sa pagsabog, nabuksan ang mga mata niya sa mundo ng mahika at nakilala sina Imogen at Lily, na silang nag-aagawan sa lumulutang na libro na nakita ni Kyra.

Nang dahil sa libro, nagkaroon ng mahika si Kyra at nalamang totoo ang magical world. Saan kaya dadalhin si Kyra ng magical adventure na ito lalo na ngayong nanganganib ang kaligtasan ng mga tao, fairies, at elves?

Ano kaya ang magiging parte ni Peter (Jamie Carter), na isa ring mortal, sa pagtuklas ni Kyra sa mundo ng mahika?

Simula September 27, mapapanood na ang The Bureau of Magical Things sa GMA Fantaseries.