GMA Logo The Bureau of Magical Things
What's Hot

The Bureau of Magical Things' season 2, mapapanood sa GMA simula March 10

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 6, 2025 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

The Bureau of Magical Things


Panoorin ang ikalawang season ng 'The Bureau of Magical Things' simula March 10, 8:25 a.m. sa GMA.

Magbabalik sa telebisyon ang paboritong magical barkada dahil mapapanood sa GMA simula March 10 ang ikalawang season ng Australian series na The Bureau of Magical Things.

Panibagong adventure ang tatahakin nina Kyra (Kimie Tsukakoshi) at Darra (Julian Cullen) ngayong isang legendary temple ang kailangan nilang hanapin.

Sa kasamaang palad, isang mahiwagang bagay ang naging dahilan para magloko ang kapangyarihan ng mga fairy at elf. Masalba kaya ni Kyra ang mundo ng fairies at alves?

Muling sumama sa paglalakbay nina Kyra at ng kanyang mga kaibigan sa ikalawang season ng The Bureau of Magical Things simula March 10, 8:25 a.m. sa GMA.