What's Hot

The Camille Prats & VJ Yambao Love Story: Second Chance At Love

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 10:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Sabado sa 'Wagas,' isang exclusive one-on-one interview ang ibinigay ni Camille at VJ para ikwento ang kanilang love story.


Ang buhay pag-ibig ni Camille Pratts parang script sa pelikula o kaya’y teleseryeng madalas niyang pinagbibidahan. Ang dating si 'Princess Sarah,' 26 years old lang noon nang mamatayan ng asawa at tumayong ina at ama sa kanyang anak na si Nathan. 
 
Matapos ang apat na taon, nakatagpo muli ng pag-ibig si Camille: isang dating kaklase at kilala niya na mula Grade 2 pa lang siya - ang negosyanteng si VJ Yambao. Nitong Hulyo, nagpropose si VJ kay Camille at sa darating na 2017, ikakasal na sila.  Si 'Princess Sarah' muling nabigyan ng pangalawang pagkakataon para umibig at magkaroon ng 'happy-ever-after!' 
 
Unang nagkakilala sina Camille at VJ noong sila ay nasa grade 2. Pagkalipas ng dalawampung taon, muli silang pagtatagpuin ng tadhana. Handang ligawan ni VJ si Camille sa kabila ng pagiging artista nito at pagiging batang biyuda. Pipilitin nitong patunayan ang kaniyang sarili na hindi pa huli ang lahat para iparamdam ang pagmamahal niya at ituring siya bilang isang tunay na prinsesa.

 
Ngayong Sabado sa 'Wagas,' isang exclusive one-on-one interview ang ibinigay ni Camille at VJ para ikwento ang kanilang love story na bibigyang buhay nina Thea Tolentino at Derrick Monasterio. Abangan yan sa GMANewsTV, 7 P.M.