
Ngayong Linggo (January 8), mapapanood ang ika-200th episode ng The Boobay and Tekla Show!
Magbabalik sa TBATS ang pinakamatindi, pinakamasaya, at pinakabrutal na asaran sa kantahan na mayroong unexpected twist.
Tampok sa “The Cash: Celebration” ang iba't ibang danceable tunes mula sa '90s hanggang 2010s.
This Sunday, maglalaban ang anim na Cashers na sina Kapuso comedian Betong Sumaya, Sparkle diva Zephanie, at Mema Squad na sina Buboy Villar, Jennie Gabriel, Ian Red, at Pepita Curtis para sa pagkakataon na manalo ng cash.
Samantala, dalawang award-winning Kapuso stars ang tutulong sa pagpili ng tatanghalin na grand winner.
Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT KABILANG SINA BOOBAY AT TEKLA SA MGA NANGUNGUNA SA LARANGAN NG COMEDY DITO.