GMA Logo Jeremiah Tiangco, Jennie Gabriel, Pepita Curtis, Ian Red, Mygz Molino, Kitkat
What's on TV

'The Cash: Duets: Dalawa laban sa lahat,' mapapanood sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Aedrianne Acar
Published January 7, 2022 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Jeremiah Tiangco, Jennie Gabriel, Pepita Curtis, Ian Red, Mygz Molino, Kitkat


Abangan ang 'The Cash Duets: Dalawa laban sa lahat' sa 'The Boobay and Tekla Show' sa darating na Linggo (January 9).

Ngayong 2022, isang episode na punong-puno ng saya ang handog ng inyong paboritong late night habit, The Boobay and Tekla Show, at ito ang nakatutuwang parody ng The Clash.

Sa pagkakataong ito, maglalaban ang pares na contestants sa isa't isa sa isang nakakatawa ngunit pinaka-brutal na sing-off sa telebisyon!

Ang singing battle na ito ay ang “The Cash Duets: Dalawa laban sa lahat,” kung saan mayroong tatlong pares ng performers na maglalaban para sa pagkakataong manalo ng cash at bragging rights.

Ang bumubuo sa Cashers ngayong darating na Linggo ay ang The Clash alumni na sina Jennie Gabriel at Jeremiah Tiangco. Kabilang din dito ang isa sa YouTube's breakout creators for 2021 na si Mygz Molino. At syempre, kasali rin ang komedyana na si Kitkat at stand-up talents na sina Pepita Curtis at Ian Red.

This week's Cashers are composed of Jennie Gabriel, Jeremiah Tiangco, Mygz Molino, Kitkat, Pepita Curtis, and Ian Red. | Photo courtesy: jeremiah_tiangco, jenniegabriel11, pepitacurtis, mygz.molino, ianred25, and favkitkat (IG)

Sa upcoming episode na ito, sorpresa ang lahat dahil random ang magiging pagpili sa pairing ng Clashers, pati na rin ang kanta na kanilang aawitin.

Punong-puno rin ng twists ang kaabang-abang na “The Cash Duets: Dalawa laban sa lahat” dahil makakalaban ng winning pair ang surprise duo of challengers! Kaya naman huwag n'yong palampasin ang malaking rebelasyon na ito.

Isang nakakaaliw at extraordinary na paraan naman ang gagamitin sa pagpili ng magwawagi.

Exciting 'di ba? Tutukan ang special episode na ito ng The Boobay and Tekla Show sa darating na January 9 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.