GMA Logo The Cash: Jukebox
What's on TV

'The Cash: Jukebox,' abangan sa 'The Boobay and Tekla Show!'

By Dianne Mariano
Published May 7, 2022 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS logs 400 back-to-back earthquakes in Kalamansig, Sultan Kudarat
Over 150 cellphones stolen during Sinulog fest recovered
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

The Cash: Jukebox


Mga Kapuso, handa na ba kayo sa pinakanakakaaliw ngunit pinakabrutal na asaran sa kantahan? Abangan ang 'The Cash: Jukebox' sa 'TBATS' ngayong Linggo (May 8).

Isang na namang nakakatawang edition ng “The Cash” ang hatid ng inyong favorite late night habit, The Boobay and Tekla Show, ngayong Linggo (May 8).

Masasaksihan n'yo ang pinakanakakaaliw ngunit pinakabrutal na asaran sa kantahan, ang “The Cash: Jukebox.”

Limang determinadong Cashers ang maglalaban para sa cash at bragging rights.

Ipe-perform ni All-Out Sundays Queendom's Jennie Gabriel ang kanyang bersyon sa kantang “Ako ang Nasawi, Ako ang Nagwagi” ni Dulce.

Isang senti na awitin ang hatid ni Kapuso actor-athlete John Vic De Guzman dahil kakantahin niya ang “Doon Lang” ni Nonoy Zuñiga.

Umaasa naman ang komedyante na si Ian Red na makuha ang panalo sa pagkanta ng “Paano” ni Pilita Corrales.

Samantala, ipapakita ni Pepita Curtis ang kanyang doble cara version sa awitin ni Eva Eugenio na “Tukso.” Pagkatapos nito, ipe-perform ni Buboy Villar ang kanyang rendition ng “Macho Guwapito” ni Rico J. Puno.

At siyempre, ipapamalas ni guest Casher Muriel Lomadilla ang kanyang vocal talent sa pagkanta ng awitin ni Hajji Alejandro na “Nakapagtataka.”

Isang post na ibinahagi ni MURIEL LOMADILLA (@xoxo_gma_riel)

Bago ang mga masasayang kaganapan, uumpisahan nina TBATS hosts Boobay, Tekla at limang Cashers ang show sa pag-awit ng iconic hit ni Imelda Papin's na “Isang Linggong Pag-Ibig.”

Sino kaya sa limang Cashers ang tatanghalin na champion sa “The Cash: Jukebox?”

Abangan 'yan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (May 8) sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.