
Nalalapit na ang pagbabalik ng isang Lakorn series sa Kapuso Network.
Muling inihahandog ng GMA Heart Of Asia para sa Pinoy viewers ang The Cheery Lee, Village Headman.
Tampok dito ang Thai actor and athlete na si James Rusameekae Fagerlund, na makikilala muli bilang si Lee, ang tinaguriang reyna ng pag-asa.
Ang istorya ng serye ay iikot kay Lee, isang makeup artist na kilala sa siyudad bilang si Leena.
Kaabang-abang ang pagbabalik niya sa kanilang hometown para maging kapalit ng kanyang ama bilang isang village headman.
Matatandaang huli itong napanood sa Kapuso Network noong 2025.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng The Cheery Lee, Village Headman, ngayong February 2, 2026 na sa GMA Network.