What's on TV

'The Clash 2021' contestant Mauie Francisco dedicates 'Tila' performance to Lani Misalucha

By Jansen Ramos
Published October 11, 2021 10:00 AM PHT
Updated November 29, 2021 2:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

mauie francisco and lani misalucha


Nagbigay ng advice si Lani Misalucha sa 'The Clash 2021' contestant na si Mauie Francisco kung paano ma-i-improve ang rendition nito ng "Tila" na original song ng Asia's Nightingale.

Hindi lang talented, kundi may magandang mukha ang komento ng Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas sa The Clash 2021 contestant na si Mauie Francisco.

Ayon sa komedyante, hanga siya 21-year-old livestreamer dahil ang inawit niya ang 2003 single na "Tila" na original song ng isa sa mga judges, si Lani Misalucha.

"Una sa lahat tinitingnan kita sa screen. Humahanga ako kasi magaling kang kumanta, maganda ka pa.

"Ang tapang mo na kinanta mo 'yan habang nandito si Madam Lani Misalucha," sambit ni Aiai.

Para kay Mauie, isang karangalan na makanta niya ang "Tila" sa harap mismo ng Asia's Nightingale, bagay na ikinatuwa ni Christian Bautista.

"Napakaganda ng kanta ni Ms. Lani. It shows kasi the next generations na kilala pa rin and they sing it still," ani ng romantic balladeer.

Tanong tuloy ni Christian, bakit nga ba ang kantang ito ang pinili ni Mauie?

Confident na sinagot ng huli, "'Tila' is a song for hope and I'm hoping to be one of the top Clashers dito sa The Clash."

Bumilib si Christian sa performance ni Mauie pero, aniya, dapat mag-level up si Mauie sa mga susunod niyang performance.

"That was a good performance. If you move on, we need now to see a stretching. We need now to see other ways you can impress the Clashers and us, as well," ani ng Kapuso singer/actor.

Nagpasalamat naman si Lani sa pagkanta ni Mauie ng kanyang single mula fourth studio album niyang Loving You sa one-on-one round ng The Clash 2021.

Sa kabila nito, may ilang paalala ang Asia's Nightingale sa mang-aawit mula Marikina City.

Sabi ng magaling na mang-aawit, "Na-notice ko na you used it in a lower key compared do'n sa original but that's completely okay since na inumpisahan mo siya sa very low.

"Sometimes medyo mahirap din maintindihan 'yung mga words so next time siguro, even na mas mababa 'yung key na inumpisahan, sana next time mas malinaw ang pagbigkas."

Sa dulo ng round, pinaboran ng The Clash panel ang kalaban ni Mauie na si Jeffrey Dela Torre.

Gayunpaman, binigyan ng second chance ng judges si Mauie matapos mapaupo sa blue chair.

Panoorin ang buong komento ng The Clash panel kay Mauie sa video sa itaas.

Mapapanood ang The Clash 2021 tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:40 p.m. sa GMA.

Kung hindi man kayo makatutok sa telebisyon, mayroong livestreaming ang programa sa official pages ng The Clash sa Facebook, YouTube, at TikTok.

Samantala, kilalanin ang The Clash 2021 top 30 sa gallery na ito: