What's on TV

'The Clash 2021' contestant na first time sa Maynila, nais magkaroon ng billboard

Published September 17, 2021 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP-HPG: Zaldy Co's luxury car has fake license plate
NLEX to increase toll fees starting January 20
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

kimberly recto of the clash


'The Clash 2021' top 30 contestant Kimberly Recto: "Na-i-imagine ko po na ako po 'yung magiging next big thing ng 'The Clash' season four."

Inilabas na ng The Clash 2021 ang top 30 contestants na tutungtong sa official round ng GMA singing competition para sa ikaapat na season nito.

Isa riyan ang 23-year-old South Cotabato native na si Kimberly Recto.

Ayon kay Kimberly, The Clash ang nagbigay sa kanya ng maraming 'first time' kabilang diyan ang pagtapak sa Maynila.

"Ang dami ko pong first time sa The Clash, first time kong makapunta ng Maynila, first time ko rin po sumakay ng MRT and napakaganda lang po sa feeling kasi nakikita ko 'yung mga billboard na nadadaanan namin."

Naniniwala si Kimberly na siya naman ang susunod na makikita sa mga naglalakihang billboard sa Maynila kapag siya ang tatanghaling The Clash 2021 winner.

"Kapag ako 'yung susunod na magiging The Clash grand champion, mukha ko naman po 'yung ando'n kaya sobrang excited ko po talaga makarating sa GMA at ipakita po 'yung talento na meron ako."

Sabi pa niya, "Napaka excited ko po talaga kasi na-i-imagine ko po na ako po 'yung magiging next big thing ng The Clash season four."

Ayon kay Kimberly, ang kanyang laban sa The Clash ay hindi lang para sa kanya, kundi pati na rin sa kanyang pamilya.

"Ang laban po na ito ay para po sa 'kin at sa pamilya ko. Gusto ko po talaga matulungan ang pamilya ko na magkaroon ng house and lot kasi, ever since, nagre-rent lang po kami.

"Dream po kasi naming tatlo na magkaroon ng bahay na amin kasi 10 years old pa lang po ako namatay na tatay ko. Gusto ko pong tuparin 'yung dream ng pamilya ko para sa 'min.

'Yung number one inspiration ko po talaga is 'yung nanay ko and saka 'ung kapatid ko po. Ang dami nilang sacrifices sa 'kin, gusto ko pong makabawi sa kanila."

Hindi pa man nagsisimula ang The Clash 2021, nagpakitang gilas na si Kimberly.

Sa kanyang YouTube channel, maririnig ang kanyang magandang boses na maihahalintulad sa American singer-songwriter and actress na si Olivia Rodrigo na half Pinoy.

Pakinggan ang song cover ni Kimberly na "Happier" na original song ng "Drivers License" singer dito:

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng top 30 contestants ng The Clash 2021:

Babalik bilang Clash Masters sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa The Clash 2021, gayundin sina Ken Chan at Rita Daniela bilang Journey Hosts.

Asahan din ang pagbabalik ng mas makilatis at mapanuring The Clash panel na binubuo nina Asia's Nightingale Lani Misalucha, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa bagong season ng Kapuso singing competition.

Sino kaya ang susunod sa yapak nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin? Abangan sa The Clash 2021 malapit na sa GMA.