What's on TV

'The Clash 2021' contestant na taga Tawi-tawi, nais ipakita ang tradisyon at kultura ng probinsya

By Jansen Ramos
Published September 17, 2021 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Parol made of dried fish spurs the 'wows' in Estancia, Iloilo
PCO press briefing (Dec. 12, 2025) | GMA Integrated New
Heart Evangelista and Kasuso Foundation team up in breast cancer awareness event

Article Inside Page


Showbiz News

renz fernando of the clash


'The Clash 2021' top 30 contestant Renz Fernando: "Gusto ko pong ipakita kung gaano kakulay 'yung aming lugar."

Sa loob ng tatlong season, first time magkaroon ng kinatawan mula sa island province ng Tawi-tawi ang GMA singing competition na The Cash.

Kaya naman sa bagong season ng programa na opisyal na may pamagat na The Clash 2021, proud na i-represent ng 24-year-old na si Renz Fernando ang probinsya na matatagpuan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ani Renz, "Masaya po 'yung pakiramdam na magrepresent ng Tawi-tawi kasi first time pong may magrepresent ng Tawi-tawi dito sa The Clash.

"At the same time po may pressure din nang konti pero mas nangingibabaw 'yung excitement kasi na-e-excite po akong ipakita 'yung talent na ma-i-o-offer ko para sa mga tao."

Mahaba ang binyahe ni Renz mula Tawi-Tawi hanggang Maynila pero worth it naman daw ang gastos at pagod dahil isa siya sa mga top 30 contestants ng kompetisyon.

"Magastos, mahaba ang biyahe, may pandemya pa, napakaraming sakripisyo, pero gagawin ko ang lahat para makapunta dito sa The Clash season four."

Para kay Renz, ito ang paraan niya para mapakita ang makulay na tradisyon at kultura ng Tawi-tawi sa publiko.

"Gustung-gusto ko manalo sa The Clash para mas makapag-perform ako sa mas malaking stage kasi 'yun 'yung pangarap ko-- ang para maka-inspire ako ng mga bata lalong-lalo na mula sa Tawi-tawi. Excited na po akong mag-perform sa The Clash arena.

"Maliban sa talento, gusto ko pong i-share ang aming tradition at culture na hindi po masyado naipapakita lalong-lalo na po sa Pilipinas at gusto ko pong ipakita kung gaano kakulay 'yung aming lugar."

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng top 30 contestants ng The Clash 2021:

Babalik bilang Clash Masters sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa The Clash2021, gayundin sina Ken Chan at Rita Daniela bilang Journey Hosts.

Asahan din ang pagbabalik ng mas makilatis at mapanuring The Clash panel na binubuo nina Asia's Nightingale Lani Misalucha, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa bagong season ng Kapuso singing competition.

Sino kaya ang susunod sa yapak nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco, at Jessica Villarubin? Abangan sa The Clash 2021, malapit na sa GMA.