GMA Logo mauie francisco
What's Hot

'The Clash 2021' finalist Mauie Francisco, nais ding sumabak sa acting

By Jansen Ramos
Published January 21, 2022 7:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saan nagmula ang Easter egg hunting? | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

mauie francisco


Ayon sa singer at online streamer na si Mauie Francisco, kung bibigyan siya ng pagkakataong bumida sa isang soap opera, gusto niyang makasama ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Handa nang patunayan ng The Clash 2021 finalist na si Mauie Francisco na may ibubuga rin siya sa pag-arte ngayong siya ay opisyal na Kapuso talent na.

A post shared by Mauie Francisco (@mauiefrancisco)

Ito ay matapos niyang pumirma ng management contract sa talent management arm ng GMA na Sparkle kamakailan.

Ayon kay Mauie, matagal na niyang gustong pumasok sa showbiz at naging daan ang The Clash para matupad niya ito.

Bahagi niya sa panayam ng GMANetwork.com ngayong January 21, "No'ng sinabihan po ako ng Sparkle na magiging part nga po ako ng management po nila, sobra po akong happy kasi pangarap ko po talaga maging artista.

"Kumbaga, 22 years old na po ako ngayon and parang hindi ko po na-imagine ngayon na kahit mas late po ako compared sa ibang mga nag-aartista is mabibigyan pa rin po ako ng chance na makapag-artista po.

"Sobrang blessed and fulfilled po ako kasi 'yun po 'yung isa sa mga goal ko po kung bakit po ako sumali ng The Clash is para talaga maging artista po."

Ayon pa kay Mauie, na isang online streamer din, noong bata pa lang siya ay madalas na siyang mag-audition sa GMA o pumunta sa mga go-see pero hindi siya pinalad na makuha.

Ngayong malapit na siyang magtapos sa kursong BS Accountancy sa University of Sto. Tomas, perfect timing naman daw na ngayon siya nakikilala sa larangan ng TV. Nakatulong din daw ang pag-glow up niya para lalong gumanda ang kanyang appearance.

"Before kasi talaga hindi po ganito itsura ko. Medyo chaka po talaga ako no'ng bata po ako 'tapos hindi po maayos ngipin ko. Kaya no'ng nagdalaga po ako, pinaayos po ng parents ko 'yung ngipin ko 'tapos sakto naman po no'ng The Clash, 'di na po ako naka-braces po saka nagdalaga na po kaya siguro mas napapansin compared before."

Kapansin-pansin nga naman ang ganda ni Mauie simula noong sumali siya ng The Clash kaya naman dumami ang kanyang fans, hindi lang sa live streaming app. Pero, aniya, papatunayan niyang hindi lang ito ang bentahe niya dahil nais niyang pag-aralan ang pag-arte para makilala siyang isang magaling na aktres in the future.

Sa ngayon, wala pang regular show si Mauie pero klaro sa kanyang isip ang mga bagay na gusto niyang gawin ngayong nakapasok na siya sa showbiz.

Gusto raw muna niyang masubukan maging parte ng light-hearted drama tulad ng rom-com series at, kung papipiliin siya, si Kelvin Miranda ang gusto niyang makapareha.

Kapag nag-improve, open daw si Mauie na sumabak sa mga heavy drama.

Dahil sa kanyang maamong mukha, hindi malayong gumanap si Mauie sa mga soap opera kung saan inaapi o kinakaawaan ang bida sa telebisyon.

Nang tanungin namin kung sino ang nais niyang maging kontrabida niya, sagot niya, "Si Ms. Marian Rivera. Lagi po siya 'yung bida ano po kaya kung si Ms. Marian 'yung maging kontrabida paano po kaya kung siya 'yung mananampal sa 'kin. Mukha po siyang si Mama Mary 'tapos siya 'yung mananampal, kakaiba po 'yun."

Handa mang sumabak na sa acting, hindi pa rin nakakalimutan ni Mauie ang kanyang first love--ang singing.

Aniya, kung bibigyan siya ng pagkakataong maging parte ng weekly variety show na All-Out Sundays, nais niyang makapag-perform in one stage kasama ang past Clashers na sina The Clash Season 3 winner Jessica Villarubin at The Clash Season 2 first-runner up Thea Astley.

Bukod sa acting at singing, open din daw si Mauie na matuto ng hosting. Sabi niya, "Sana rin po matuto ako ng hosting, 'yung mga gano'ng bagay po na hindi lang pagkanta 'yung magawa ko po bilang artista."

Si Mauie ay kabilang sa top five finalist ng The Clash 2021.

Sa nasabing season, ang Iligan City singer na si Mariane Osabel ang itinanghal na grand champion.