
Nagpakitang gilas ang 16-year-old Bulakenya na si Jamie Elise sa round two ng fifth season ng weekly GMA singing competition na The Clash 2023.
Bumirit si Jamie ng classic hit ni Freddie Aguilar na "Anak" na batay sa revival ng Asia's Nightingale at The Clash judge Lani Misalucha
Pasado para kay Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas ang performance ng Clasher na aniya'y malapit na sa version ng kumare niyang si Lani.
"Pumasa ka sa 'kin na parang medyo gano'n ang pagkakakanta ng aking kumare pero iba pa rin ang kumare ko pagdating d'yan sa 'Anak' na 'yan," komento ni judge Aiai.
Tinawag naman ni Lani si Jamie na kanyang "anak" dahil "very convincing" ang pagkakakanta at rendition nito.
Sabi pa ng batikang mang-aawit, "So ikaw 'yung anak, ako yung nanay."
Wish naman ni judge Christian Bautista na huwag maalis si Jamie sa top 12 dahil sa ipinakita niyang confidence at authority sa The Clash stage.
Sabi ng Asia's Romantic Balladeer, "'Yung performance mo very haunting. Continue this trick lang and don't lose it kasi you're starting very well."
Tama naman ang hinala ni Christian dahil makapagpapatuloy si Jamie sa The Clash 2023 bilang isa sa top 12 contestants nito at makakatungtong sa round three.
Panoorin ang performance ni Jamie sa video sa itaas.
Mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, 7:50 p.m. bago ang KMJS sa GMA 7.
Mayroon din itong livestream sa YouTube channel at Facebook page of The Clash at sa Facebook page of GMA Network.
Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.
Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH CHAMP, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: