What's on TV

'The Clash 2023' contestant Jerome Granada, may pasabog sa round 2 ng kompetisyon

By Jansen Ramos
Published March 16, 2023 12:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No jackpot winners for June 24, 2026 major lotto draws, says PCSO
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News

Jerome Granada


Pasok ang 'The Clash 2023' contestant na si Jerome Granada sa Top 12 at makakatungtong sa round three ng GMA musical competition.

Pasabog ang performance ng 28-year-old call center agent na si Jerome Granada na umawit ng "Diamante" sa round two ng The Clash 2023.

Napanood ang latest performance ni Jerome sa episode ng singing competition noong Linggo, March 12, bilang isa sa huling batch ng Clashers na nakapag-perform bago tumawid sa panibagong round.

Komento ng The Judge at Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas sa pag-awit ni Jerome, "Pinasabugan mo kami ng iyong performance at talaga naman ang iyong performance ay diamante--mas matibay sa bakal, mas mahal sa ginto kaya shine, shine, shine."

Positibo rin ang sinabi ni Asia's Nightingale Lani Misalucha sa kalahok. Aniya, ipinakita nito na deserving siyang makapagpatuloy sa The Clash 2023.

Pinuri naman ni judge Christian Bautista ang improvement ni Jerome. Matatandaang pinayuhan ito ng romantic balladeer na huwag magpadala sa emosyon nang kantahin ang "Maghintay Ka Lamang" sa round one ng kompetisyon.

Sabi ng hurado, "Good performance...talagang laki ng improvement from the other round definitely. So continue training para paangat nang paangat ang antas ng boses mo. Good job."

Sa huli, nakapasok si Jerome sa Top 12 at makakatungtong sa round three ng The Clash 2023.

Pakinggan ang bersyon niya ng "Diamante" sa video na ito:

Ang The Clash 2023 ay pinangungunahan ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Mapapanood ito tuwing Linggo, 7:50 p.m., bago ang KMJS sa GMA 7, at sa YouTube channel/Facebook page ng The Clash at Facebook page of GMA Network via live stream.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash o sa official social media pages ng programa.

Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH WINNER, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: