What's on TV

'The Clash 2023' contestant Liana Castillo, hindi raw pang-16 years old ang boses

By Jansen Ramos
Published March 15, 2023 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Liana Castillo


Ibinuhos ng 16-year-old 'The Clash 2023' contestant na si Liana Castillo ang kanyang emosyon nang awitin ang 'Gaano Kadalas Ang Minsan" sa singing competition.

Ginulat ng 16-year-old Clasher na si Liana Castillo ang judges ng The Clash 2023 sa kanyang latest performance sa weekly GMA musical competition.

Inawit ni Liana ang "Gaano Kadalas Ang Minsan" ng OPM icon na si Basil Valdez.

Ayon sa Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas, tila hindi pang 16 years old ang boses ni Liana dahil, aniya, masyado itong malalim at profound.

May bersyon din ng "Gaano Kadalas Ang Minsan" ang dalawang hurado ngThe Clash na sina Christian Bautista at Lani Misalucha.

Base sa komento ng Asia's Nightingale sa performance ni Liana, approved sa kanya ang heartfelt version ng kalahok.

"Kung pag-uusapan lang din ang emosyon, parang naibuhos mo lahat, sa totoo lang.

"Pinipigilan ko 'yung pag-iyak ko kanina. I was really watching you dito sa monitor kasi tinitingnan ko 'yung mga facial expressions mo and even when you went up do'n sa mga high notes mo, ando'n pa rin 'yung emosyon pero binuhos mo doon. Really amazing."

Samantala, humanga rin si judge Christian sa pagkanta ni Liana pero may apela ang romantic balladeer: "I'm also excited na makarinig ng something a 16 year old will sing next time."

Pakinggan ang bersyon ni Liana ng "Gaano Kadalas Ang Minsan" sa video sa itaas.

Mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, 7:50 p.m. bago ang KMJS sa GMA 7.

Mayroon din itong livestream sa YouTube channel at Facebook page of The Clash at sa Facebook page of GMA Network.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.

Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH CHAMP, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: