
Cute na cute ang The Clash 2023 judges sa performance ng Team LIASAC na binubuo nina Liana Castillo at Isaac Zamudio sa "Pares Kontra Pares" round ng The Clash 2023.
Kinanta nila ang pop hit na "Dati" nina Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, at Quest na singer at composer ng theme song ng The Clash.
"Ang cute, cute n'yo. Nag-jibe kayong dalawa," panimulang komento ng Asia's Nightingale na si Lani Misalucha kina Liana at Isaac na napanood bilang pares sa April 2-episode ng GMA musical competition.
Hinangaan din ng hurado ang kanilang song choice na mahirap kantahin dahil may pagka-wordy, at mabilis at upbeat ang musika nito.
Dagdag ni Lani, "Hindi siya madali kasi medyo tricky talaga 'yung song at, siyempre, marami s'yang mga syllables, mga sinasabi na words pero na-deliver n'yong dalawa naman.
"At saka nakikita namin kung gaano kayo nag-enjoy sa stage at nakita namin kung paano kayo nag-work together."
May special mention din si Liana mula sa batikang mang-aawit dahil sa malinaw nitong pagkanta.
Para kay Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas, nagkaroon ng equal importance sina Liana at Isaac sa stage at sinabing authentic ang kanilang presence.
Ganito rin ang komento ni Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista sa performance ng Clashers.
Ika niya, "Yes, I really liked the fact that you really enjoyed each other as you sing to each other at kahit na kumakanta 'yung isa, 'yung isa ine-enjoy lang 'yung stage.
"Parang happy lang kayo to sing whatever the outcome--that's also very important.
"And I also saw the fight there. Nagsaluhan din kayo at one point, nakita ko 'yon."
Nagbigay din ng tip ang The Clash judge para lalong mag-improve ang mga kalahok.
"And, as you move forward, keep on challenging yourselves to sing these challenging songs kasi it also helps."
Panoorin ang version ng "Dati' ng Team LIASAC sa video na ito:
Ang The Clash 2023 ay pinangungunahan ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Mapapanood ito tuwing Linggo, 7:50 p.m., bago ang #KMJS sa GMA 7, at sa YouTube channel/Facebook page ng The Clash at Facebook page ng GMA Network kasabay ng pag-ere nito sa TV.
Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash o sa official social media pages ng programa.
Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH WINNER, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: