GMA Logo the clash 2023 top 12
What's on TV

'The Clash 2023', kumpleto na ang top 12 contestants

By Jansen Ramos
Published March 13, 2023 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

the clash 2023 top 12


Kilalanin kung sino-sino ang pasok sa 'The Clash 2023' Top 12 dito.

Pinangalanan na ang mga kumumpleto sa Top 12 sa pagtatapos ng ikalawang round ng The Clash 2023.

Sila ang nakabalik sa 'Top of the Clash' matapos ang indibidwal nilang laban sa "Laban Kung Laban" round kung saan nagharap-harap ang Clashers into three batches. Kada batch, isang contestant ang na-eliminate.

Pasok sa Top 12 sina Arabelle Dela Cruz, Isaac Zamudio, Jamie Elise, Jean Drilon, Jemy Picardal, Jerome Granada, Kirby Bas, Liana Castillo, Mariel Reyes, Mark Avila, Rex Baculfo, at Zyrene Ciervo.

Sina Lara Bernardo, Pupa Dadivas, at Jayvee Real ang nakakuha ng pinakamababang score mula sa judges kaya sila ang nalaglag sa round two.

Mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, 7:50 p.m. bago ang KMJS sa GMA 7.

Mayroon din itong livestream sa YouTube channel at Facebook page of The Clash at sa Facebook page of GMA Network.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.

Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH CHAMP, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: