
Naki-Christmas salubong ang The Clash 2024 grand champion na si Naya Ambi sa It's Showtime ngayong bisperas ng Pasko, December 24.
Nagkaroon ng opening number si Naya sa noontime show kung saan kinanta niya ang kanyang winning song sa The Clash 2024 na "I'll Be There" ni Mariah Carey.
Kinamusta naman ng It's Showtime hosts si Naya, na fresh na fresh sa kanyang pagkapanalo sa Kapuso musical competition.
Sabi niya, "Sobrang happy po ako dahil nag-pay off po lahat ng pinaghirapan ko sa The Clash."
Nagbigay din ng Christmas wish ang It's Showtime hosts para kay Naya ngayong isang ganap na siyang singer.
Bilang The Clash 2024 winner, nakapag-uwi si Naya ng prize package na nagkakahalagang mahigit apat na milyon. Kabilang dito ang one million pesos in cash, exclusive management contract sa ilalim ng GMA talent management arm na Sparkle, at bagong bahay at lupa mula Vista Land.
BALIKAN ANG WINNING MOMENT NI NAYA AMBI SA THE CLASH 2024.