GMA Logo Kyryll Ugdiman
What's Hot

'The Clash' alumna Kyryll Ugdiman feels overwhelmed as first single receives award

By Jansen Ramos
Published September 4, 2020 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Kyryll Ugdiman


Hirit ni Kapuso Soul Princess Kyryll Ugdiman, "Sana po manalo ulit next year!"

Hindi inakala ng Kapuso Soul Princess na si Kyryll Ugdiman na magwawagi siya sa kakatapos lang na 33rd Awit Awards.

Naiuwi ni Kyryll ang titulong Best Performance by a New Female Recording Artist para sa first single niyang "Silent Rumblings" produced by AltG Records, sub-label ng GMA Music.

Kyryll Ugdiman

Kyryll Ugdiman wins Best Performance by a New Female Recording Artist in 33rd Awit Awards

"Super nagulat po ako, 'di ko po in-expect, and super overwhelming ng lahat po ng nangyayari sa 'kin ngayon and first single ko pa so super grateful po talaga ko sa GMA Music and lalo na po sa mga sumusuporta sa 'kin," pahayag niya sa panayam ng GMANetwork.com kahapon, September 2, sa Zoom.

Dahil sa banta ng COVID-19, virtual ang naging awarding ceremony ng Awit Awards noong Sabado, August 29.

Kyryll Ugdiman

Kyryll Ugdiman accepting award from 33rd Awit Awards

Ani ng 18-year-old singer, tingin niya ay lalo siyang magiging emosyonal kapag tinanggap niya nang personal ang tropeyo.

"Gusto ko po sana talaga makaakyat do'n [sa stage.] Iba po talaga 'yung feeling 'pag ando'n, feeling ko mas maiiyak po ako lalo."

Hirit pa niya, "Sana po manalo ulit next year!"

Nagpasalamat naman si Kyryll sa mga sumuporta sa kanya simula noong nagsimula ang kanyang singing career.

Saad ng The Clash graduate, "'Di ko po alam kung paano ide-describe how grateful I am sa kanila kasi may times po talaga na hindi ka nakaka-reply, parang mga gano'n. As much as possible, tina-try ko po na i-message sila lagi, mag-reply ganyan.

"And super grateful po ako sa kanila especially sa mga tao na since The Clash talaga hindi tumitigil na sumuporta sa 'kin na magme-message sa 'kin walang sawa, kahit pandemic na hindi pa rin po sila tumitigil magtiwala sa 'min."