
Maghaharap ang isang balik-showbiz na singing star at isang record-breaking Pinoy artist ngayong Huwebes sa Family Feud.
Ngayong August 13, pangungunahan ni Golden Cañedo, ang kauna-unahang champion ng GMA's The Clash, ang Team Golden. Matapos ang limang taong pahinga niya sa showbiz para tapusin ang Nursing degree sa Cebu, balik-spotlight ngayon si Golden sa pamamagitan ng GMA afternoon hit series na Born to Shine.
Kasama niya sa Family Feud stage ang kanyang pamilya at mga kaibigan, kabilang na ang president ng Golden Butterflies fan club na si Tita Edz Calimpusan, ang resto-bar owner at proud furmom ng 13 furbabies na si Tita JM Mendoza, at ang bank employee at longtime family friend na si Tito Bien Nable.
Pero bago ang labanan sa survey board, ipapakita muli ni Golden ang kanyang husay sa pagkanta sa pamamagitan ng isang a cappella rendition ng theme song ng Magpakailanman.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, pinangungunahan naman ng dating delivery driver at self-taught artist na si Christian Oliver “Cort” Talampas ang Team 'Last Shot.' Nakilala si Cort dahil sa kaniyang hyper-realistic charcoal sketch ng iconic na “Last Shot” ni Michael Jordan noong 1998. Ito ay naipadala mismo kay MJ para sa autograph at nai-auction sa halagang mahigit Php 12 milyon!
Kasama ni Cort sa Team 'Last Shot' ang art collector at brother-in-law ng GMA reporter na si Oscar Oida na si JR Marfori, ang contemporary artist na si Jay Marquez, at ang panganay na anak ni Cort na si AK Talampas.
Abangan ang kanilang exciting na sagupaan sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 13, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.