GMA Logo
What's Hot

'The Clash' grand finals, pinag-usapan online!

By Jansen Ramos
Published December 17, 2019 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking estudyante, sinaktan ang babaeng kaklase sa loob ng eskwelahan sa Quezon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Trending ulit tayo, Kapuso!

Pinag-usapan ang grand finals ng GMA singing competition na The Clash na ipinalabas noong Linggo, December 15, kung saan ang singer mula Imus na si Jeremiah Tiangco ang itinanghal na 2019 grand champion.

The Clash
The Clash

Top trending sa Twitter ang official hashtag nito na #TheFinalClash sa Pilipinas at pang-anim naman worldwide.

Sa nakaraang episode, naging mahigpit ang labanan ng final five na sina Nef Medina, Jeremiah Tiangco, Antonette Tismo, Jeniffer Maravilla, at Thea Astley.

Pare-parehong nag-shine ang limang Clashers sa kanilang medley performance ngunit kailangan lamang pumili ng The Clash panel ng dalawang contenders na magtatapat sa final one-on-one clash.

Sina Thea at Jeremiah ang naglaban sa final round ng The Clash kung saan ang Pop Heartthrob ang idineklarang panalo.

Agad namang binati ng Twitterverse si Jeremiah matapos i-anunsyo ang resulta ng labanan.

Basahin ang reaksyon ng netizens dito: