What's on TV

'The Clash,' kasado na ang pagbabalik sa telebisyon

By Jansen Ramos
Published August 6, 2019 4:46 PM PHT
Updated September 20, 2019 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The Clash kasado na ang pagbabalik sa telebisyon


Mas pinatindi, mas pinalakas, at mas pinalupit ang pagbabalik ng all-original Filipino singing competition na The Clash.

Mas pinatindi, mas pinalakas, at mas pinalupit ang pagbabalik ng all-original Filipino singing competition na The Clash.

Ngayong wrap-up na ang auditions para sa upcoming singing competition ng GMA Network, pipili na ng Top 64 na maglalaban-laban.

Maraming twists ang magaganap sa second season ng The Clash at isa riyan ay ang pagkakasama automatically ng twelve weekly winners ng Studio 7's Duet With Me sa Top 64 Clashers.

Get to know 'Studio 7's Duet with Me winners

Kabilang sa screening panel na kumilatis sa possible contestants ng kompetisyon ay sina UP College of Music Professor, UP Concert Chorus Directress and The Clash voice coach, Janet "Jai" Sabas-Aracama, Director Bert De Leon, at South Border frontman Jay Durias.

Exciting din ang pagbabalik ng The Clash dahil magkakaroon ng bagong Clash Masters at backstage hosts, na talagang namang kaabang-abang!

Samantala, mananatili pa rin bilang The Clash panel of judges sina Comedy Queen Aiai Delas Alas, Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, at Asia's Nightingale Lani Misalucha.

Patikim pa lang 'yan kaya huwag palampasin ang pagbabalik ng The Clash, malapit na sa GMA!